1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pampublikong Kalusugan

Canada nagbigay ng $15M para sa pathogen tracking upang maghanda sa susunod na pandemya

Kasama sa pondo ang pananaliksik sa health-care supply chain

Isang babae kumukuha ng sample mula sa nakabukas na imburnal sa kalsada.

Isang researcher kumuha ng mga sample mula sa sewage para sa COVID-19.

Litrato: CBC

RCI

Ang bagong $15 milyon na cross-border research project ay nag-umpisa na upang i-monitor ang paggalaw ng pathogens sa Canada at Estados Unidos bilang paghahanda sa mga pandemya sa hinaharap.

Ang pondo ng pederal na gobyerno ng Canada ay mapupunta sa pagkober sa equipment at research sa loob ng apat na taon.

Ang Integrated Network for the Surveillance of Pathogens: Increasing Resilience and Capacity in Canada's Pandemic Response (INSPIRE) pinagsama ang 43 researcheres mula sa pitong unibersidad at mga pribado at pampublikong ahensya. Ang team ay binubuo ng biochemists, microbiologists, engineers, computer scientists at supply chain public policy experts.

Makikipagtulungan ang INSPIRE sa mga akademiko sa Michigan, Ohio at New York — kung saan nagmumula ang maraming supply chains na sinusuportahan ang industriya ng Canada.

Si Anne Snowdon ay isang business professor sa University of Windsor (UWindsor) at co-investigator sa proyekto.

Aniya ipinakita ng COVID kung gaano hindi handa ang Canada at marami pang ibang bansa pagdating sa pagkokonekta ng mga impormasyon mula sa mga datos ng mga sistema ng kalusugan.

PANOORIN | Wastewater tumutulong sa mga siyentipiko na i-track ang infectious diseases:

Ani Snowdon mas mahusay na ipinoposisyon ng proyekto ang Canada na harapin ang isang pandemya — at ang future connections ng wastewater surveillance at cross-border transit sa public health systems at sa manufacturers at distributors ng health products.

Bakit UWindsor ang mamumuno sa pag-aaral

Ang UWindsor ay may walong researcher na involve sa pag-aaral — sila ang makakatanggap ng bulto ng pederal na pondo para sa proyekto.

Si Kenneth Ng ay isang propersor ng chemistry at biochemistry sa unibersidad na magpopokus sa genetic sequencing ng pathogens of concern, o ang mga pathogen na paparating pa lang.

Aniya ang lokasyon ng Windsor ay inilagay ito sa magandang posisyon para makatulong ikonekta ang Estados Unidos at Canada sa kung ano ang tumatawid sa border — kasama ang mga microorganism na maaaring maging sanhi ng mga virus at sakit.

Ang Cross-Border Institute ng UWindsor ay kasama rin sa pag-aaral at ia-analyze ang lokasyon ng Windsor-Essex pagdating sa potensyal na biothreats na pumapasok sa Canada.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Bob Becken (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita